Maraming salamat po sa inyong tiwala!

Sa sandaling dalawang taong pagsisilbi namin, magalak po naming

ibinabalita na pito (7) na po ang  ating botika na naghahatid sa inyo ng mga gamot

at paninda sa abot-kayang halaga!

Kami po ay matatagpuan ninyo malapit sa inyong lugar. Hindi n’yo na

kailangang lumuwas pa sa bayan!

Ang Aming Simula

Salamat po sa paglalaan n’yo ng oras para makilala kami.

Ang J and C Drugmart ay itinayo bilang isang pagpupugay sa alaala nina Jose at Clarita Calma— dalawang taong minahal at ginalang ng mga nakakakilala sa kanila sa bayan ng Talavera, Nueva Ecija, dahil sa kanilang dakilang kabutihan, malasakit, at pagiging bukas-palad. Ang pangalan ng aming botika ay hango sa kanilang mga inisyal, bilang simbolo ng pagpapatuloy sa kanilang naiwan na pamana ng pagmamalasakit sa kapwa.

Itinatag ang J and C Drugmart noong 2023 ni Laila Altoveros Calma, isang dating nurse sa Saudi Arabia na nagsilbi nang halos tatlong dekada. Sa nakalulungkot na pangyayari, siya ay napilitang tumigil sa pagsisilbi sa kapwa dahil tinamaan sya ng Covid-19. Subalit kahit hindi pa rin siya lubusang gumagaling, hindi nawala ang kanyang hangaring maglingkod at tumulong sa kapwa. Sa pamamagitan ng J and C Drugmart, ipinagpapatuloy niya ang serbisyong medikal — sa isang bagong anyo: pagbibigay ng abot-kayang gamot at mga pangunahing pangangailangan sa mga mamamayan.

Isa sa mga layunin ng aming botika ay ang mapalapit ang serbisyo sa mga tao — kaya’t matatagpuan ang aming mga botika sa mga barangay sa labas ng mataong bayan. Sa ganitong paraan, hindi na kailangang bumiyahe nang malayo o makipagsiksikan para lang makabili ng gamot o ibang produkto para sa kalusugan.

Sa loob ng maikling panahon, kami ay nagpapasalamat sa Maykapal at nadagdagan na ang aming lokasyon— may pitong (7) sangay na ngayon, kabilang ang limang (5)  “franchise”, bilang patunay ng tiwala ng mga tao sa aming layunin at kalidad ng serbisyo.

Sa J and C Drugmart, hindi lang murang gamot ang aming iniaalok — kundi serbisyong may puso, alaala ng kabutihan nina Jose at Clarita, at dedikasyong ipagpatuloy ito para sa mga susunod pang henerasyon.

Nawa’y maging bahagi kami ng inyong mas malusog na bukas!

Gusto mo bang magkaroon ng sarili mong botika?

Hindi biro ang magtayo ng sariling negosyo, lalo na kung botika ang balak mong buksan. Pero kapag may tamang gabay mula sa isang taong dumaan na sa proseso, mas magiging madali ang lahat. Aaminin namin- nahirapan din kami noong nagsisimula pa lang. Pero dahil sa lahat ng aming natutunan, kami ay nagpapasalamat at ngayon—mula sa iisang branch lamang dalawang taon lang ang nakalipas, mayroon na kaming pitong (7) branches. Lima (5) dito ay franchise. Marami na kaming natulungan na magkaroon ng sarili nilang botika sa sandaling panahon!

Higit pa sa pagkakaroon ng sariling botika, hindi lang ito simpleng negosyo. Isa itong marangal na paraan upang makatulong sa iba gaya ng dahilan kung bakit namin sinimulan ang J and C Drugmart. At ang maganda pa, hindi mo kailangang maging isang pharmacist para makapagsimula. Kahit sino pwedeng magkabotika. Ang kailangan mo lang ay determinasyon, tyaga, puhunan at tiwala sa Maykapal.

Kung nais mong malaman kung paano magtayo ng sarili mong botika, mag-email lamang sa amin sa jandcdrugmart@gmail.com.

Magtulungan tayo sa pag-asenso!